ANO ANG KULAY NG BUKAS?
Ni Duio Ampilan Paumanhin sa mga kabataan, magulang, ate, kuya, tito at tita kung ang sanaysay na ito ay kukurot sa inyong puso. Una, ang kwentong ito ay hango sa aking karanasan. Maaaring magkawangis ito sa inyong kwento at pinagdaraanan. Maraming kabataan ngayon na sa kabila ng pag-aaruga at pagsuporta sa kanila upang maging matino at makatapos ng pag-aaral ay napapariwara at nababalin ang direksyon ng buhay sa nakababahalang sitwasyon. Mapalad kayo kung may pagkain kayo sa hapag-kainan umaga at gabi. Mapalad kayo kung may sumusuporta sa inyo sa inyong pag-aaral at pang-araw araw na pangangailangan. Mapalad kayo kung may magulang o kamag-anak na umaaruga sa inyo. Mapalad kayo kung sa Pilipinas kayo nakatira. Iilang kwento na ba ng kabataan ang ating narinig, nasaksihan o naranasan na nauwi sa pagkalulong sa droga, pag-aasawa sa murang edad, paghinto sa klase at tuluyang nalulustay ang oras na walang silbi. Ilang kwento pa ba ang dapat danasin o masaksihan para ang mga dusa at ...