Posts

Showing posts with the label TAWA NG ISANG INA

TAWA NG ISANG INA

Image
FOT 1994 Ulladullah NSW Tawang nagbibigay buhay  Sa iyo'y bungad bating  umaalab. Tila ba walang  suliranin sa kanya'y di tumatalab  Kaluluwa niya'y para ding langit na may sinag subalit may nakatagong lumbay.  Saya ng kaanyuan di napaparam sa kalagitnaan ng unos Unos ng dusang tinamo sa pang-aaping nasadlakan  Luha  sa gabi'y tulad ng bahang umaagos  Sa mukhang marangya, lungkot ay di  nasisilayan.  Sa labi ng mga musmos ngiti'y naging palamuti  Walang kamuwang-muwang sa tunay na mga pangyayari  Saya ng kawalang malay sa piling ng kanilang ina  Mga yakap at yapos nito'y sa kanila ay nakapagpaligaya.  Nag-iisa man akong magulang ito'y di ko ikinakahiya  Dahil sa sariling sikap naitaguyod ko sila ng marangal  Hirap ng buhay ay hindi inalintana  Ang pag aaruga sa kanila ay tumbas ng aking pagmamahal.  Buhay naming mag-ina sa Maykapal aming itiningala  Bendisyon at proteksyon ang tanging  ha...