Posts

Showing posts with the label Dimple Lobo Corsino Opina

ANG LAYON AT HALAGA SA BUHAY

Buwan Ng Wikang Pilipino Unang Tula Sa Buwan Ng Wika ❤❤❤ "Ang Layon At Halaga Ng Buhay" Bawat oras sa anumang panahon, May magbubukas na pagkakataon, May mga kabiguan sa bawat hamon, May mabubuong tama at maling pagtugon. Ang pagsuko ay 'di isang karuwagan, Bagkus ito'y nagdudulot rin ng kapayapaan, Nagiging daan upang isip ay lawakan, Na nagbubunga ng matiwasay na kalooban. Sino ka, sino ako, sino nga ba tayo, Mayaman, mahirap, sikat ka ma't matalino, Ang kaligtasan mo'y 'di nakabase sa plake at ginto, Kungdi sa kung pa'no ginugol buhay mo sa mundo. Ang lalim at lawak ng dagat, Maging ang lupa't langit sa kanilang agwat, Di mo matalos hiwagang kabalikat, Ngunit alam nating Diyos ang Siyang lumikha sa lahat. Kung maglalaho ito't lilipas, At sa kapwa't kalikasan di tayo naging patas, Sa buhay nating magwawakas, Sa'n pupulutin kalul'wang sa kabuktuta'y naaagnas? Ang ating buhay ay hiram lamang, Sa malao't madali, hininga'y...

PAGPAPAMILYA

Tula ni Dimple Lobo Corcina Opina Ang pagpapamilya ay ang pusod ng buhay ng pag-aasawa, Sa dahilang ito ang simula ng walang katapusang pagpahahalaga, Dito nasusukat ang tibay ng pagsasama, Kung saan ang haligi't ilaw ay magkakasangga. Ang pagpapamilya'y sumusuyod ng pagsisikap, Nagpapalawak ng pasens'ya at takbo ng utak, Dito'y binubuo ang pangarap na bukas, Dito'y tinitimbang ang gaan at bigat ng responsibilidad. Ang pagpapamilya'y tunay ngang katuparan, Kung bakit mayroong ligawan at kasalang namamagitan, Sa dalawang nilalang na nag-iibigan, Na nais mag-ani ng mga bungang pahahalagahan. Isang karangalan sa isang magulang, Na ang kanyang bunga'y mataba sa paggalang, Mayabong ang unawa sa bawat pangaral, N'yaong ama't inang hindi napapagal, Sa pagpupunyagi at pagbubungkal, Upang mga anak magkamit ng magandang buhay. Nasa ama't ina ang kaparaanan, Ng tamang pagpapalaki o pagpapa-ulayaw, Sa kanilang kamay doon nakasalalay, Ang hubog ng ugali at ...

KAPOS PALAD

Tula ni Dimple Lobo Corsino Opina Buto at balat ka na pagala gala, Bawat masalubong samo mo ay awa, Maanong tumanggap ng kukunting barya, Ngiti ang sisilay sa hapis mong mukha. Do'n sa bangketa kung makitang madalas, Hikahos kang tingna't damit mo ay butas, Habang nakaupo'y palad nakalahad, Sa mga nadaan, ay limos ang hangad. Katulad mo'y ibong walang madapuan, Mga puno't sanga'y ikaw ay nilisan, Iyong nilalakbay ang bawat lansangan, Inari mong yaman, ginawang tahanan. Kung saan abutin ng dilim sa gabi, Panlatag na banig pagal na sarili Ang hirap at sakit iyong tinitimpi, Pait ng paglunok ay mayro'n'g paghikbi. Sa gabing malamig kinukumot'y braso, Pilit niyayakap katawan mong hapo, Lubhang alumpihit pag-ihit ng ubo, Hirap mong paghinga ay halos mapugto.. Araw na dumaan laging binibilang, Malamlam mong mata may luhang nabalam, Sa buhay mong kapos piniling lumisan, Wala pa ring dangal hanggang kamatayan. ©DimpsKzie🌹 #Filipino Poets in Blossoms 🌸  Jul...