Posts

Showing posts with the label Emilio L Aguinaldo

SAAN KA MAN NAROROON

Tula ni Emilio L Aguinaldo "SAAN KA MAN NAROROON" Ika'y tumingala sa pisngi ng langit kapag nag-iisa't ang gabi'y tahimik kung mayr'ong bituwing ikaw ay masilip nar'on ang diwa ko't kita'y minamasid. kung sakali namang ang gabi'y mapanglaw  at walang bituwing ikaw ay matanaw  sa likod ng ulap na lubhang matamlay nar'on ang puso kong sayo'y nag-mamahal. sa iyong paligid ikaw ay magmasid kung ako'y limot na't malibing sa isip  ang hihip ng hangin sa'yo'y mag-hahatid ng pag-mamahal kong magpa-hanggang langit. kung di mo na ako muling magunita at sa isipan mo'y mag-laho ng bula kung liligaya kang iwaglit sa diwa ay salamat na rin sa Poong Bathala. ang aking dalangin sa Poong Maykapal ika'y lumigaya habang nabubuhay  malibing man ako sa limot mong taglay ang puso ko nama'y laging nag-mamahal. katha ni emilio laxamana aguinaldo ♥*✿*•♥

HUDYAT NG LANGIT

Image
Blue Mountains  "HUDYAT NG LANGIT" Tula ni Emilio L Aguinaldo Ang hihip ng hangin hindi na malamig Ang sikat ng araw sobra na ang init Ang bughaw na ulap sa pisngi ng langit Puno na ng usok bihirang masilip. Dumalas ang lindol at putok ng bulkan Ang sunog at bagyo’t baha kahit saan Sa lupa at dagat hanggang kataasan Maraming sakunang kumitil ng buhay. Nag-kalat na ngayon ang maraming salot Gamot at sandata’y madaling madampot Pag-bawi ng buhay ngayo’y abot abot Ang paligid ngayo’y nakakakilabot. Pag-samba sa Diyos at mga debosyon Marami ng uri hindi tulad nuon Ang ikot ng mundo nung unang panahon Lubos na nag-bago di na mahinahon. Mga nagaganap sa buong daigdig Ay hudyat na kaya na galing sa langit Malapit na kayang sa ati’y sumapit Pag-gunaw ng mundo na kahindikhindik? Mag-linis ng budhi’t sa D’yos ay tumawag Ating idalangin na tayo’y maligtas H’wag sanang itulot at Kanyang Igawad Ang nakakagimbal na magiging wakas. Katha ni emilio laxamana aguinaldo Dictated October 27, 201...

NANG IKA'Y MAGLAHO

Ni Emilio L Aguinaldo (RIP)  Nang ako’y iwan mo sa gitna ng dilim Ang tanging tanglaw ko ay mga bituwin
 Ang kaulayaw ko’y malamig na hangin Ang mga mata ko’y malayo ang tingin Nang biglang gumuhit ang kidlat sa langit Nag-dilim ang ulap sa aking paligid
 Ang sinag ng tala’t bituwin sa langit
 Nag-kubli sa ulap hindi na masilip Matapos ang kidlat bumuhos ang ulan Sa tindi ng lamig di na mapigilan
 Pook na tagpuan ay aking nilisan May luha sa mata’t ang puso’y sugatan Ang pook na dati’y madalas dalawin
 Pinapasyalan ko kung gabing malalim Aking binabakas ligayang nag-maliw
 Tinitingala ko ang mga bituwin Kahit na kung gabing madilim ang ulap
 At walang bituwing duon ay mamalas
 Ako’y nagbabalik duo’y binabakas
 Nag-lahong ligayang laging hinahanap Sa sinag ng mata nang ika’y maglaho Nuon ko nadama ang iyong pag-suyo
 Nuon ko nabatid ang taghoy ng puso
 Marahil ay di na muling mapupugto. katha ni emilio laxamana aguinaldo Dictated