ISANG TALONG ISANG TAHONG
Tula ni Joan Santillan Amurao #ISANG_TALONG_ISANG_TAHONG (Ang Sagot Sa Mga Tanong) Nais ko pong ipagpauna Mga linya na inyong mapupuna sa inyo ay maaaring hindi nakakatuwa Kaya hiling ko po ay ang inyong pang unawa. Ating simulan ang taludturan Mula sa mga salitang tinuran Nitong ating mahusay na kaibigan Na Jhake Morales ang ngalan. Ang tanong sa nahihilong talong, "Bakit ka nagagalit pagtinawag na supot" Agad-agad ako man ay nalito sa supot, Halika at ang talong ay ating isupot. "Sa asawa o sa magulang, saan ka mas takot?' Ipagpaumanhin, Hindi ko ito masasagot. Sapagkat hindi naman sila nakakatakot. "Bakit kapag nahuhuli ka'y kumakamot?" ako ma'y nahuli pero hindi kumamot, Nagkataon lang na makati ang kuyukot. "Bakit kahit nahuli na'y pilit lumulusot?" Walang pinag-iba sa sinulid na nais ilusot Nahuli mo na, pero ikaw mismo ang nagpalusot. "Paano ka magalit pasigaw o pasimangot?" Depende sa sitwasyong ginawa ng asu...