ATING PANAHON
Tula ni Winnie Carmona-Dacoco Mga takot na bumabalot, hatid ng panahon Mga kaba na pumupukaw sa hinahon, Dati ay malaya , mga pakpak ay tumikom, Tanging sa gunita, lumipad, naglimayon Ang mga oras, tila may pakpak din Tulad ng hangin, saglit lng humapyos, nagtutumulin, Ang puso'y nagtatanong, naninimdim Kailan ba ang dulo at ilaw sa dilim? FPB September 4, 2021