BAGONG BAYANI
Tula ni Rado Gatchalian
May Akda
Darling Square Library 
Haymarket NSW
November 6, 2019
(Para Kay Gat Jose Rizal)
Kung mabubuhay ngang muli 
Ang ating pambansang bayani -
Yayakapin ba ng sariling lahi 
At iibigin nang walang pagkukunwari?
Makisig na susuriin ang bayang pinaglaban 
May bunga ba ang kanyang kamatayan? 
Sa kanya muling paglalakbay 
Hahanapin ang kalayaang tunay -
Ang bawat Pilipino may ligaya sa puso, 
Matatag, at taas-noo bilang isang tao. 
Hindi kailangang maging bayaning muli 
Para ipakita na ikaw ay katangi-tangi.
Hanapin mo lang ang iyong halaga
At ialay ito sa ating pinakamamagal na bansa. 
Source : FB/RG
February 9, 2018