SA MGA BAYANING MANUNULAT

Pauna :
Mahigit na dalawampung manunula ang lumahok sa "One Day Poetry Contest" sa pamamahala ni Eureka Cambonga Bianzon Robey sa ilalim ng Filipino Poets in Blossoms (FPB) Facebook Group kahapon June 11, 2021. Ang tema ay Kalayaan.
"Tulang Tagalog Tayo" "Mag alay para sa Kalayaan" 
Pakisulat ang inyong  tula sa komento.Maraming salamat

#onedaypoetrycontest
Contest ends @ 11 midnight Philippines time.
Awarding of winners June 15,2021
Sa paghudyat ng oras para isara ang paligsahan, siya'y nagbibigay pugay agad sa mga bayaning manunulat bilang pasasalamat. [Blog Admin.]

Ni Eureka Cambonga Bianzon Robey 
May Akda 

Larawan ay pagmamay ari ng FB

Salamat Mga Bayaning Manunulat"
©️eurekarobey

Bawat pusong nagtitimpi 
May mga tulang ambag puno ng sidhi
Makabayan ang sinasalamin
Iisa ang bawat mithiin

Pag ibig sa bayan puno ng paggiliw
Kailan man hindi nagmamaliw
Bakas ang pagsinta sa bawat salita
Pagmamahal hindi maikakaila

Salamat sa mga bayani ng ating
Bayan
Kayo'y dakila sa mata ng sinuman
Mga manunulat na namamahagi
ng paham
Mga ito'y mananatili ng walang
Hanggan

Dalangin nawa, Bayang may
Pighati
Ay makamit ang tunay na
Kalayaang minimithi
Hangarin nawa'y hindi mapaknit
Upang pag-asay makamtan
Ng walang patid.

Hango sa FB/Filipino Poets in Blossoms  

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH