ANG DUYAN
Tula ni Crispulo Baccud Tapa
Sa duyan ako tumatakbo
pag ako'y nalulumbay.
Sa kanyang piling ako ay
nagmunimuni't nagnilaynilay.
Habang pinapanood ang mga paroparong sumasayaw sa kanta ng mga ibong pipit
Sa kanyang munting indayog
ako ay napapaidlip.
Aking diwa'y naglakbay
sa kalawakang di ko maabot.
Ako'y naalimpungatan
at nagising dahil sa init.
Sa duyan ko nabuo ang mga pangarap para sa bayan.
Sumulat ako sa Diyos Ama
ng nga tula't ibang akda.
Isinumbong ko ang mga politikong patuloy
na ginagahasa ang Inang
Bayan.
Pinagsamantalahan at niyurukan ang kanyang dangal.
Aking dasal ay magbago na
sila at nawa'y magkasundo na at magkabigkis bigkis.
Sa duyan ako nananalangin
na sana'y mahabag ang Panginoon sa atin.
Na tayo ay basbasan
para umunlad na ang bayan
natin na napag-iwanan na ng panahon.
Source:
Filipino Poets in Blossoms
Photo: Leah C. Dancel Photography
Mayfield Garden, Oberon NSW 2018