ANGHEL SA LUPA

Photo credit to the owner 

Madalas nating nararanasan
Suliranin ay di maiwasan
Ngunit ito'y nagagawan ng paraan
Dahil ang Diyos di tayo pinapabayaan.

Kapag tayo'y humiling sa Kanya
Sagot Niya'y palaging nakahanda
Siya'y nagpapadala ng ANGHEL SA LUPA
Upang ating maramdaman ang Kanyang presensiya.

Tulong  na mula sa mga ANGHEL SA LUPA
Nagkakaloob sa atin ng himala
Salimuot sa buhay dagling napaparam
Hagod sa puso, masarap sa pakiramdam.

Ipinagkakaloob Niya sa atin ng kusa
Ating natatanggap na mga pagpapala
Sana'y atin ding ibahagi sa kapuwa
Para ang lahat ng tao ay lumigaya.

Maging mapagsalamat sa Maykapal
Walang-hanggan ang Kanyang pagmamahal
Sa bawat araw tayo'y ginagabayan
Sa paglalakbay ay iniingatan.

Mga ANGHEL SA LUPA, ating kaibigan
Kapag may kailangan, sila'y maasahan
Tulad ng Panginoon na di nang-iiwan
Tunay na kaibigan magpakailan pa man.

~Cherrie Facun Dancel

Source: 
#Filipino_Poets_in_Blossoms


Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay