BUHAY MAG-ASAWA SA BUKID
Tula ni Crispulo Bacud Tappa
Ang bunga ng pulo't gata,
supling nagbigay saya.
Sa mag-asawa'y isang malaking biyaya,
sa paglaki nito ay kanilang inaruga.
Ang isa ay naging labing-dalawa.
Bunga ng labing-labing ng
mag-asawa.
Buhay sa bukid sila'y
inaruga.
Ang ama'y lubos na nagsikap,
kayod marino ang kanyang ginawa.
Upang sila'y mabuhay ng sagana,
sa biyaya ng Diyos sila'y
umasa.
Ang mga anak nama'y silay tulong-tulong.
Sa gawaing bahay, si Ate ang
nag-uurong.
Si kuya nama'y sa ama
sumasama
Nagtutulungan sa bukid,
magtanim ng punla.
Sa ani nito'y sila lahat ay umaasa.
Buhay sa bukid mahirap man ngunit masaya.
Kakarampot man ang kita
ito'y pagpapala.
Malinis at walang bahid
na pandaraya.
Ang mga anak iginapang
ng dakilang ama,
upang ang pangarap nila
ay matupad na.
O, anong ligaya ng ama't ina,
isang libo't isang saya,
makita ang mga anak na nagmamartsa,
sa entablado upang tanggapin ang diploma.
Bitbit si ama at ina bilang
pagpugay sa kanila,
sa kanilang paghihirap,
lahat ito'y inaalay sa kanila.
Sa payak na bahay, diploma ay isinabit.
Bubungad sa mga bisita'y
ito ang nasambit.
"Kay palad ang ama't ina,
mga anak ay nakapagtapos.
Kahit mahirap ang buhay,
sila man ay kapos."
Sila'y nabuhay ng marangal
sa tulong ng Diyos.
Source:
#Filipino Poets in Blossoms
July 24, 2021