HUWAG NA HUWAG

Tula ni Cherrie Facun Dancel

Huwag na huwag kang makikipag-away sa kapuwa
Iyan ang palaging ipinapayo ng ama at ina.

Huwag na huwag kang magsisinungaling sa magulang
Magpaalam kung may pupuntahan para di mapagalitan.

Huwag na huwag kang manglamang sa iba
Ito'y gawain ng taong masama at mandaraya.

Huwag na huwag kang sasagot sa matanda ng pabalang
Upang mas nakababata sa iyo na nagmamasid ika'y igalang.

Huwag na huwag kang gagawa ng pandaraya
Para ikaw ay mabuhay ng maayos at malaya.

Huwag na huwag kang nawawalan ng pag-asa
Ito ang payo ng mabuting kaibigan sa nakilala.

Huwag na huwag kang bibitaw sa kamay ng Maylikha
Pag sulirani'y dumating, sasamahan at yayakapin ka Niya.

Huwag na huwag kang hihinto sa paglikha ng tula
Pagpapalakas loob ng manunulat nang talento'y mahasa.

Source: Filipino Poets in Blossoms  🌸 
July 24, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay