ISANG TALONG ISANG SAGOT




Tula ni Jhake Morales 

"Isang Talong Isang Sagot"
       -Usapang Lalaki-

Isang talong, isang sagot
Bakit ka nagagalit pagtinawag na supot?

Isang talong,isang sagot
Sa asawa o sa magulang,saan ka mas takot?

Isang talong,isang sagot
Bakit kapag nahuhuli ka'y kumakamot?

Isang talong,isang sagot
Bakit kahit nahuli na'y pilit lumulusot?

Isang talong,isang sagot
Paano ka magalit pasigaw o pasimangot?

Isang talong,isang sagot
Ang babae o ang lalaki, sino ang mas mabilis makalimot?

Isang talong,isang sagot
Ano ang madalas mong ginagawa pagnakatalukbong ng kumot?

Isang talong,isang sagot
Bakit lagi kang may ticket ng bus sa bulsa na lukot?

Isang talong,isang sagot
Mamahalin mo parin ba 'yong asawa kahit balat ay kulubot?

Isang talong,isang sagot
Saan ka tumitingin, sa nasa loob o sa saplot?

Isang talong,isang sagot
Kung 'di ka responsable'y ano ang dulot?

Isang talong,isang sagot
Kung 'di mo iibigin bakit pinapaikot?

@jhake morales
07/23/07

Photo from Google

Source: Filipino Poets in Blossoms 
July 24, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay