ISANG TALONG ISANG TAHONG
#ISANG_TALONG_ISANG_TAHONG
(Ang Sagot Sa Mga Tanong)
Nais ko pong ipagpauna
Mga linya na inyong mapupuna
sa inyo ay maaaring hindi nakakatuwa
Kaya hiling ko po ay ang inyong pang unawa.
Ating simulan ang taludturan
Mula sa mga salitang tinuran
Nitong ating mahusay na kaibigan
Na Jhake Morales ang ngalan.
Ang tanong sa nahihilong talong,
"Bakit ka nagagalit pagtinawag na supot"
Agad-agad ako man ay nalito sa supot,
Halika at ang talong ay ating isupot.
"Sa asawa o sa magulang, saan ka mas takot?'
Ipagpaumanhin, Hindi ko ito masasagot.
Sapagkat hindi naman sila nakakatakot.
"Bakit kapag nahuhuli ka'y kumakamot?"
ako ma'y nahuli pero hindi kumamot,
Nagkataon lang na makati ang kuyukot.
"Bakit kahit nahuli na'y pilit lumulusot?"
Walang pinag-iba sa sinulid na nais ilusot
Nahuli mo na, pero ikaw mismo ang nagpalusot.
"Paano ka magalit pasigaw o pasimangot?"
Depende sa sitwasyong ginawa ng asungot,
Minsan padabog, minsa'y wala kahit ungot.
Ang babae o ang lalaki, sino ang mas mabilis makalimot?
Ano ba kase ang nais mong maalala?
Tutulungan kita na pagkalimot ay di lumala
Sa isang pingot ko lahat ay iyong maaalala.
"Ano ang madalas mong ginagawa pagnakatalukbong ng kumot?"
Malamang ang hilong talong ay namamaluktot
Habang ang hilik, sa ibang bahay ay umaabot.
Bakit lagi kang may ticket ng bus sa bulsa na lukot?
Ay naku! ikaw sana ay nag antipara,
Dahil ang iyong nakita ay lukot na pera.
Mahigit isang libo, Mabuti at hindi ko naibasura.
"Mamahalin mo parin ba 'yong asawa kahit balat ay kulubot?"
Eto ang tanong na nais kong ibalik
Sa taong binigyan ka ng unang halik.
Para sakin, kulubot man ay patuloy akong masasabik. ❤
"Saan ka tumitingin, sa nasa loob o sa saplot?"
Unanhin ko munang tignan ang saplot
Baka may sumabit na gagamba at sapot
O mula sa inupuan ay may sumamang surot.
"Kung 'di ka responsable'y ano ang dulot?"
Oh, ang hilong talong ay tuluyang natalilong
Pagiging iresponsable ay walang maitutulong.
Ang bagsak ay ospital, sementeryo o kaya ay makulong.
"Kung 'di mo iibigin bakit pinapaikot?"
Ito ba ay may kaugnayan kay Dodong na pinikot,
Ni Inday na ang balakang ay ubod ng likot?
Ah, kung alam mong ikaw ay pinapaikot,
Siguradong ang pag ibig sayo ay maramot.
umaasa sa wala, lubhang nakakalungkot.
😊
Ayan at ang talong ay tuluyang naisupot,
Bago pa ako lubusang kumulubot.
Itong si Tahong, sa taludtod ay nais umamot
Ating Pagbigyan habang akoy di pa nakakalimot.
Paunang tanong sa bagong ahon na tahong,
"Bakit ka nagagalit kung kami'y 'di sumasagot at pagnangatwira'y kami'y palasagot?"
Tila hindi wasto ang binigay na tanong,
Ito ay lintanya ng ating magulang na madunong.
Lalo na kung sa kanila, kapatid ko'y isusumbong.
Kaya't ang talong at tahong ay pabulong-bulong.
"Bakit tuwing katapusan at akinse'y di ka burangot?"
Dalawang araw sa isang buwan na nakakapagbigay ngiti.
Dadantay sa palad ang sahod na parang may kiliti.
Yan ba ang tinutukoy mo, o nais mong ako'y manggalaiti?
Pansamantalang ngiti ay huwag nang ungkatin.
Iyong intrega ay aking pilit pagkakasyahin.
Upang sa ating hapag ay mayruong maihain.
Bakit kahit ikaw ang mali'y kami parin ang baluktot?
Bakit hindi natin pag usapan ng walang pasubali.
Unawain natin ang isat isa, hindi tayo magkatunggali.
Ituwid natin ang iyong pagkakabaluktot,
Itama natin ang aking pagkakamali,
Kapwa tayo ang mag wawagi sa bandang huli.
"Bakit pagdedesisyon ka'y madaming paikot-ikot?"
Iyong pagpasensiyahan, aking isipang masalimuot.
Mga importanteng detalye ay aking pilit kinukutkot.
Sa pagdedesisyon ay ayaw kitang masama sa limot.
Bakit nagagalit ka pagkami'y umuutot pero pag ikaw, for you it's is cute?
Hahah, ikaw ba naman ang magpasabog
(BLUEH!!!!) Kulay asul na kumakalabog
Kumpara sa akin na amoy makopang hinog.
(Pennnnnnnnkkkkk) o diba, totoong kyut?
"Bakit mo sa amin pinapahanap ang bagay na ikaw ang nagtago at nakalimot?"
Ganyan talaga pag ang tahong ay naiahon
Isipan ay pasinghap singhap, alam mo na yon.
Kaya kung alam mo kung nasa'n, ah! ituro mo na yon?
Baka ako'y tuluyang makalimot, ibala kita sa kanyon. ✌🏻
Bakit pagnag-shopping ka todo hakot?
Minsan lang to kaya todo na 'to
At pag ako'y kinulang, ikaw ang mag abono.😂
"Bakit ka nagtatanong tapos gusto parehas tayo ng sagot?"
Iniisip ko kase kung kilala mo pa ako.
Inaalam ko kung mahalaga pa din ba ako sa yo.
Gaya ng pagkakaalam ko sa mga detaye ng okasyon na meron tayo.
Kung saan tayo unang nagkakilala,
At kung kelan naging tayo.
Parehas pa din ba tayo ng sagot?
"Bakit sa gabi palagi kang pakipot?"
😂 may redtide ang tahong ✌🏻✌🏻✌🏻
Huwag ka na ngang maraming tanong!
Censored! nagpapasintabi po ang tahong. (Sowrey po) ✌🏻
"Sa due date o sa multo, saan ka mas natatakot?"
Mas nakakatakot si Mang Bill at si Judith.
Lalo't mag hihintay pa ako ng kinsenas at katapusan.
Baka sa Kangkungan ang aking bagsakan.
Si Judith ay pwedeng paghandaan
Pag titipid ang isa sa paraan.
Papiso-piso sa bawat araw na magdadaan.
Para s i Judit ay pwede mo nang abangan sa daan.🥰
"Bakit kung ayaw mo pala'y pa- fall,
puro pa pa-cute?"
Kung ako ba ay tuluyang ma fall,
Sasaluhin mo ba ako?
O isa karing batong ipupokpok sa ulo ko?
Kaya magpapacute na lang ako
Kahit minsan alam kong nakakatacute ako.
Ang mahalaga wala akong inaapakang tao.
✌🏻
"Bakit 'di kayo napapagod,
Gusto'y laging malinis, damit ay walang gusot walang lukot?"
At sino, bukod sayo ang nagsabi na di ako napapagod?
Nais ko lang naman na maayos ang lahat
Kapaligirang mabango at walang kalat.
Ako man ay napapagod, hindi
lang alam ng lahat.
P.S.
This is for #Fun_Collaboration purposes only.
Thank you po ❤
Joan 👸🦋
Source: Filipino Poets in Blossoms 🌸
July 25, 2021