KALAYAAN

Tula ni Estelle Cortes 

Puhunan ay dugo at buhay,
Mula pa sa ating kanununuan.
Ilang daang taong pakikibaka,
Makamit lamang ang minimithing Kalayaan.

Kalayaan na ngayon ay niyuyurakan,
Ng mga taong nagkukunwaring
Mapagmahal sa Inang Bayan,
Mga taong walang iniisip
Kundi sariling kapakanan.

Sana naman maging mapanuri,
Pilipino tayo sa diwa, puso at gawi.
Mahalin ang bayan
Nang makatotohanan-
Walang pag-iimbot,
Ipaglalaban hanggang kamatayan.

~Estelle Cortes
June 12, 2021

Source: Filipino Poets in Blossoms 🌸 

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay