MAGSASAKA AT MANGINGISDA

Tula Ni Rebecca Tarog Adjie  Canon 

Kami ay magsasaka at mangingisdang super sipag
Nagbabanat ng buto sa silong ng araw at buwan 
Walang humpay sa pagtatanim at pangingisdang ganap
Nang ang pamilya ay mayroong  magandang kinabukasan

Marumi man ang aming mga kamay at maraming mga kalyo
Aming ipinagkakapuri ang hanapbuhay na ito
Sagana sa pagkai't gulay nang hindi bumibili
Lumilipas ang oras ang aming tiyan walang hapdi

Sariwang-sariwâ ang ulam namin sa tanghalian
Kukuha ng sariwang gulay sa aming halamanan
Pagkain namin ay mga masustansya at malinamnam
Pagkaing kailangang tunay ng aming mga katawan

Kaming mangingisda at magsasaka kung tatamarin 
Kawawang tunay,, ang tao sa mundo'y walang makain
Pawis,,pagod,,puyat,kalyo ang aming mga dinaranas
Itutuloy mga gawaing ito sa magandang bukas

KAYONG LAHAT !! TAYO AY MAGTANIM ,, MANGISDA !! HALINA !!!
Ang GUTOM tunay MAIIWASAN kung MAGSISIPAG KA !!
Ang mga KAMAY na may PUTIK at KALYO ay TAGUMPAY KA !!
Kahit WALANG DIPLOMA ay SIGURADONG MATATAG KA !!

All rights reserved
July 15, 2021
Zoraya
Pilar,,Sorsogon
Philippines

Source: Filipino Poets in Blossoms 🌸 

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH