MUNDO

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon 

Ikaw ba`y TAO ??
             sa mundong ibabaw ???
Masaya ka bang tunay ???
             ano ang iyong nararamdaman ??
Sa kasiyahang walang katuturan ??
          
 Tunay na kasiyahan ang hanapin mo !!!
              mahal mo ba ang kapwa mo ??
Huwag sarili ang pakakaisipin
               Utos ng DIYOS ay SUNDIN
  
Mundo ay pansamantalang tirahan
              dito hinahasa ang mga taong tunay

Ginto nga dinadaan sa apoy.....
              upang lantay na ginto ay malaman

Tao sa mundo ay tulad din ng ginto...
             kinikilatis mga gawang makatao
Lahat ng gawa ay nakikita....
             ng ating DIYOS na BATHALA

Mundo ay hindi magtatagal....
             ito ay HAHATULANG TUNAY
Pipiliin ang mga BANAL... 
              Pipiliin din ang mga makasalanan

IKAW,,saan ka ba nakalugar ????
            Sa TUPA o sa KAMBING na pipilian
Tiyakin MO na kasama ka sa mga TUPA
            sa AKLAT ng BUHAY...
              SIGURADUHING ,, PANGALAN
        .          MO AY MABABASA !!

Zoraya
Pilar,,Sorsogon
Philippines
July 24,2021

Source:
Filipino Poets in Blossoms 🌸 

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay