SA AKING PAG-IISA

Tula ni Cherrie Facun Dancel

Sa aking pag-iisa, nag-iisip kung ano ang magandang magagawa.
Hahawak ng pluma, iniisip ay itatala upang makalikha na (ng) isang tula.

Sa aking pag-iisa, nag-iisip kung ano ba ang tama.
Maghanapbuhay ng maayos at huwag manglamang ng kapuwa.

Sa aking pag-iisa, nagtatanong kung kailan uunlad ang Mahal kong bansa.
Kung ang mga pulitiko ay hindi gumagawa ng katiwalaan (katiwalian), oo, uunlad nga ito ng kusa.

Sa aking pag-iisa naiisip ang dumating na pandemya.
Nakakalito, nakakakaba, nakakabahala. Pagtatapos kailan kaya? Sana nga'y malapit na.

Sa aking pag-iisa, naaalala at binabalikan ang masasayang nakaraan.
Napapangiti at napapatawa na parang nasisiraan ng bait kapag kalokohan ay sumasagi sa isip.

Sa aking pag-iisa, naaalala ang malayo na pamilya.
Kumusta na kaya sila? 
Maayos kaya silang nakakakain at nakakapagpahinga?

Sa aking pag-iisa, minamasdan mga taong sa kalsada dumaraan.
Matuling naglalakad patungo sa bukid na pagtataniman.

Sa aking pag-iisa, naiisip kung ano ang maitutulong sa kapuwa.
May mabubuting puso ito'y ginagawa  ng walang hinihintay na kapalit mula sa kanila.

Sa aking pag-iisa, mararamdaman ko ang presensiya ng Maykapal.
Sa bawat araw na lumilipas, pinapadama wagas Niyang pagmamahal.

Sa aking pag-iisa, madalas ako'y natutulala at isip ay ayaw gumana.
Dahil ako'y baguhan pa lang sa ganitong larangan, "writer's block' ba ang tawag sa ganitong pakiramdam?

~Cherrie Facun Dancel
#Filipino Poets in Blossoms
July 23, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH