ULAN SA TAKIPSILIM


Ni Ka Ipe

Kay daming ibig sabihin
  Ng ulang lumalagapak
Depende sa tao, sa estado
  At karanasang napagtanto
Habang lumalakas ang ulang may ihip
  Lumalalim naman ang baha at pag-iisip
At gaya ng kapaligiran
  Na napapalibutan ng kadiliman
Nararamdaman ang lamig
  At kawalan ng kaliwanagan

Di katulad ng ulan sa madaling araw
  Na ilang saglit lamang ang ilaw matatanaw
Sa ulang dapit hapon at agaw-dilim
  Kalungkutan ng gabi ang ramdam na taimtim
Gumagalobog ang lakas ng tubig ulan
  Sa bubungang metal at adobe
Nagbabalik ang mga alaalang
  Masakit sa puso at sa sarili'y nakaka-torpe

Nag-aantay tumigil ang ulan sa takipsilim
  Hanggang bukang-liwayway ang puyat titiisin
Para matapos ang madamdaming yugto
  Na gustong kalimutan at ayaw patali
Umaasa sa isang mas makahulugan
  Maligaya at makulay na bahag-hari

© Epimaco Densing III
#Filipino Poets in Blossoms 
July 25, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH