ANG AGILA AT SISIW
Tula ni Ku Ris
Sa aking paglayag, pakpak ko'y napunit
Sa tinungong himpapawid; nadarang sa init
Ngunit mapalad sa parang' nadapuan
Akong pobreng sisiw niyapos't minahal
Pakpak kong lupaypay, pinalakas't tinahi
Nang sa muling paglayag ay 'di na muling mabali
At sa hampas ng hanging sasalubong
May tapang na 'di kukurap ano mang alulong.
At kaypalad ko sa nasilungang pugad,
Inahing may kandili, sariling pakpak iniladlad
Ako'y niyapos at pansamantalang inilipad
Upang manumbalik ang apoy na abutin ang mga hinahangad.
Salamat, Inahing Agila Helen Sarita
Salamat sa handog mong malasakit at pagmamahal.
Salamat sa regalong 'di ko lubos inakalang matanggap.
Habambuhay ko itong pasasalamatan.
Source: Filipino Poets in Blossoms