BASAG

Tula ni Ester Vargas

 


O, sinta kong nilalangit,
Ano ang nangyari’t puso ko’y nagulanit.
Hindi ko na ipagpupumilit,
Sasaktan mo rin ako nang paulit-ulit.

Ewan ko ba, dati naman akong nananahimik
sa isang tabi ako ay nakasiksik.
Ano’t pinukaw mo ang damdaming pikit.
Pinadamang pag-ibig ay abot hanggang langit.

Araw ay puno ng kaligayahan.
Bawat segundo ay hitik ng pagmamahalan.
Bigla kang nanlamig, nilimot ang sumpaan.
Ano ba ang aking naging pagkukulang?

Hindi ko sukat akalain,
Makailang ulit ko mang limiin.
Nagsusumigaw itong damdamin.
Habang-buhay na lamang bang maninimdim?

Basag man ang aking panlabas na anyo.
Pipilitin kong makabangon at tumayo.
Kagaya nitong tanim sa paso.
Umusbong kahit na ang sisidlan ay di buo.

Biriterang Makata 
dubai uae
Filipino Poets in Blossoms 🌸 
#micropromt_15
Dex Amoroso

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay