BINIGKIS NA PUSO


Nagkita at umibig sa isa't-isa 
Nag sumpaan na mamahalin ang bawa't isa 
Lupa at langit man ang kanilang pagitan
Langis at tubig sila'y naturingan. 

Si Nanay ay napadayo sa malayong pulo 
Nang kanyang mga magulang ay kapwa yumao 
Si Tatay ang naging kadaup-palad 
Sa nakalunos buhay, sila'y mga sawim-palad.

Kakatwa ang kanilang pagkakilala 
Sa usapan sila'y may kanya-kanyang wika.
Paano kaya sila nagkaka-intindihan
Habang mga puso'y nagkaunawaan?

Sa pagsasama'y hindi kinulang ng mga paghamon. 
Ang buhay ay tigib ng pagsubok tulad ng dagat na maalon. 
Sa bilis ba ng panahon habang ito'y nagpa-ikot-ikot;
Binigkis na mga puso, di naka-iwas sa  bagyong masalimuot. 

©Leah C. Dancel
Copyright@2021
All rights reserved 
August 20, 2021
SH-Australia 
Filipino Poets in Blossoms 🌸 
Tema sa Ikatlong Linggo ng
Wikang Filipino: Bigkis Magkakalayong Pulo
(NB: Ito'y katuwaan lang at di kasali sa paligsahan.)

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH