DUYAN
Tula ni Duoi Ampilan
Photo by Duoi Ampilan
International Humanitarian, Father, Poet
Ang bukid ay duyan ng kamusmusan. Salat man sa yamang natitinag ang buhay ng tao pero nag-uumapaw naman ang kanilang ligaya.
Ang kanilang tagumpay ay hindi nasusukat sa materyal na bagay kundi sa kalidad ng kanilang pakikipagkapwa, ligaya, pagtanggap sa realidad ng buhay, kung paano ginugugol ang buhay sa mga sandaling lipas at pananampalataya.
Ang tunog ng kalikasan ay musikang umaaliw sa damdamin.
Source: FB
August 26, 2021