INANG KALIKASAN
Tula ni Napoleon Torres III
"UMI"
Artist: Daniel Popper
Source: Unique Trees
Pagmamahal sa kalupaan ang handog ni Inang Kalikasan.
Pagmamahal din sa yamang lupa ang inaasahan niya sa Sangkatauhan.
Subalit ang tao ay gumawa nang malaking kasalanan.
Unti-unti niyang sinisira ang mga kagubatan.
Yakap ang mga supling na kakahuyan.
Tanging mga ugat na lamang ang kanyang namamasdan.
Hapis ang mukha dahil sa kalungkutan.
Mga tuyong ugat nang mga puno kanyang hinaplos at hinalikan.
Namutawi sa kanyang mga labi...
"Nasaan na ang awa nang mga tao?
Inabuso ninyo ang mga anak ko!
Sa mga murang gulang inyong pinagpuputol!
Ako ay labis na tumututol!"
Darating ang araw na ang mga puno na nagtatanggol sa mga kabundukan.
Sa ginagawa ninyong labis na pamumutol ay mauuwi sa kawalan.
Ito ay magiging sanhi nang isang malagim na kapahamakan.
Guguho ang mga bundok, mga tao at mga bayan ay matatabunan.
Hinaplos muli ni Inang Kalikasan ang mga tuyong ugat.
Ang mga ito ay parang mga batang namulat.
Mga tuyo nang mga ugat ay umangat.
Kay Inang Kalikasan sila ay yumakap.
"Aming mahal na ina sa inyong pagmamahal kami po ay nagpapasalamat."
©Napoleon Torres lll
#Photo_Prompt