MAHALIN ANG KALIKASAN
Tula ni © Emilio Laxamana Aguinaldo
Huwag nang tapunan ang dagat at ilog
Ng basura't duming balana'y madampot
Mga isda duong ating sinasalok
Baka manga-lason sila'y manga-ubos
Mga punong kahoy sa bundok at parang
Huwag nang putuli't ating alagaan
Pag sila'y nawala't lubos na naparam
Wala nang sasangga sa bagyo at ulan
Mga punong kahoy ating pag-yamanin
Tayo ay mag-tanim ating padamihin
'Pagkat mga ibon duo'y lumililim
Duon namumugad duon nag-susupling
Yaong mga lupa na ating binungkal
Na ping-tatamnan ng palay at gulay
Ay ating ingata't huwag pabayaang
Ang mga gusalii duon ay mag-tahan
Ang dagat at bundok ang ilog at bukid
Mga punong kahoy sa ating paligid
Sila'y kalikasan sa mundo'y kasikip
Nang tayo'y isilang dito sa daigdig
Pag pinabayaan at di iningatan
Baka maubos na ang puno sa parang
Ang isda sa ilog baka mangamatay
Maubos ang bukid wala nang pag-tamnan
Itong kalikasan kapagka nagtampo
Ating maiiwan saan pa tatakbo
Baka mangalunod sa lakas ng bagyo
Baka mangagutom itong mga tao
maraming salamat po
Ang larawan ay pag mamay-ari ni Dr Crispina Vedra-Diego
Filipino Poets in Blossoms 🌸