MGA PAGPIPILI
Tula Ni Myr Reyes E. Tejada
Ang buhay ay isang hubad na regalo
Sa atin iniwan pagbalot kung paano
Sa makulay bang karton na may taling laso
O sa isang luma at kusot na dyaryo
Ikaw, paano mo ginawa ito?
Dati’y ating utak, tasang walng laman
Kung anong ilalagay sa atin iniwan
Umaapaw, puno, o di kayay kaunti lamang
Inilagay ba’y gamot, lason, basura o yaman
Ikaw, ang tasa mo, ano ba ang laman?
Isang pusong wagas sa atin binigay
Ng Dakilang Lumalang nitong ating buhay
Pagyamanin, ingatan, o yurak-yurakan
Ipinagkatiwala sa ating mga kamay
Ikaw, puso mo bay nakangiti o luhaan?
Tayo ay binigyan libong pagkakataon
Hinamong tumanggap o di sumang-ayon
Inakay sa landas na dapat tunguhin
Subalit malayang lumihis o sundin
Ikaw, ang pinili mo ba ay alin?
Ipinakilala din sa’tin ang lipad ng oras
Gawing kaibigan o kaaway na Hudas
Gamitin ng tama, inaksaya ba o iyong winaldas
Sa iksi ng buhay sanay sinakyan ang pakpak
Ikaw, saan nakarating iyong mga yapak?
© Myr Reyes E. Tejada
06/08/2021
A translation of my Poem CHOICES
Filipino Poets in Blossoms