PARALUMAN

Tula ni Napoleon Torres III
Pagsikat nang araw sa umaga.
Pagdilat nang aking mga mata.
Hanap nang tingin ay ang iyong ganda.
Sa aking abang buhay tangi kong ligaya. 

Maligaw man sa kagubatan nang mundo,
ikaw pa rin ang hahanapin ko.
Magdilim man ang kapaligiran,
ikaw lang ang liwanag na babalikan. 

Paano kaya ang buhay ko sinta?
Kung sa buhay ko ay wala ka?
Matutulad ako sa mga batong madudurog sa ulan.
Kung sa habang panahon ay walang masisilungan. 

Naging mapalad ako nang dumating ka sa buhay ko sinta.
Binuhay ang puso ko nang ibinigay mong saya.
Sa maamo mo na mukha ako ay madalas mangarap.
Kapag nasisilayan ka nawawala ang mga nararamdamang hirap. 

Dumating ang panahon na ang mga tuhod ay bumaluktot.
Sa kahinaan ko ako ay nalungkot.
Paano na ang halaman?
Kung hindi na pumapatak ang ulan? 

Pagibig ang mahalaga at hindi ang ano pa  man.
Magkakasama tayo hanggang sa kamatayan.
Mahal na mahal kita sinta tandaan mo.
Wala kang kapalit sa puso ko.

Napoleon Torres lll
08082021   @copyright
Post: FPB   linggo01
Buwan ng Wika
#Tula_Sa_Linggo01
Filipino Poets in Blossoms 
August 8, 2021