PASINGKIL
Tula ni Dorie Reyes Polo
Makulay na katutubong sayaw ng mga Maranao, Sa Lanao Del Sur. Mindanao.
Balik-tanaw
"SINGKIL" Para sa akin
Sa bawat salpok ng apat na kawayan
Tunog ay ritmong kay sarap indakan
Sa unang yugto, alalay sa dalang,
Dahan-dahang ginising ang dugo ko't laman.
Pag padyak ng paang may taling kulingling
Maghanda na kayo
ang ibig sabihin
Ingay ng kalangsing
hindi malilihim
Hudyat na kawayan umpisahang pukpukin.
Tila ba indayog ang saliw ng ingay
May bilang at tiempo, dapat sabay-sabay
Paa'y kong mabilis, sa padyak ay uhaw.
Ramdam ko'y Prinsesang
"di mahapayang gatang"!
Kaya't palakpakan, naranasan ko na,
Tuwa ng puso ko'y hindi maipinta
Mabuti't maliksi noong ako'y bata pa.
Hindi nakaranas, maipit ang paa. 💪🤪🥰💖🍀
Reserbadong lahat ng karapatan
@DRPolo
Agosto 25, 2021
Kwentula ni:
Dorie Reyes Polo
Source: FB
By Permission