TANAWIN
Tula ni
✍⚘Rose Licudo
Kaygandang malasin ang tanawin sa parang
Berdeng damo at palay sa kapatagan.
Mga nagtatayugang puno sa kabundukan.
Na sumasabay sa hanging amihan.
Kaysarap samyuhin ang malinis na hangin
Malayo sa pulusyon at global warming.
Ang lamig nito'y umuukilkil.
Sa kaibuturan ng diwa Ko't damdamin.
Napakagandang tignan ang malakristal na tubig.
Bawat tama ng sinag ng araw ay nagniningning.
Na tila ba dyamanting nakakalat sa hangin.
Nag-aanyayang,"Halika magtampisaw ka sa akin."
Sa pagdaan ng panahon at siglo.
Kariktan ng nayon unti unting nagbabago.
Mga puno sa kabundukan ay naglalaho.
Ang dating malinis na ilog ngayo'y puro burak at basura.
Preskong hangin ay nawawala na.
Kailan mo papahalagahan ang bayang kinalakhan?
Kailan mo bibigyan pansin ang kalikasan.
Kailan mo mamahalin ang iyong pinagmulan?
Kapag huli na ang lahat at wala nang babalikan?
🖊08012021
Janet Rose Licudo
Filipino Poets in Blossoms 🌸
🐄🐄🐄🐄🐄🐄🐄
Sumagot si Jove Usana
Sumagot ang mga baka, kabayo, kalabaw at kambing:
Uunga! Oonga!
Nauubos na ang luntian damo sa pastulan namin. 🙂
Wala na din makumpayan ang aming amo para pagkain namin.
Paano na kami pagdating ng panahon kung wala ng damo kaming ngangatain-- pati ang mga kaibigan namin kabayo, pati si kalabaw at kambing indi na din makakain?
Uunga! Oonga!
Nganga ang aming bibig habang nakatanga sa malawak na kulay dark na tsokolateng lupain na dati'y luntian kung aming malasin!
Oonga! Uunga! 3x
-JNU 🙂🎩✍️