WIKANG FILIPINO: BIGKIS NG PAGKAKAISANG PILIPINO

Tula ni Feliz Ruiz

Wika ay tulay sa Arkipelago na binubuo Ng 7,604 na mga isla

Tunay na nagkakaisa sa Filipino, ating Wikang Pambansa
Sunod sa dayalekto ng probinsya Wikang Filipino ay tangkilikin
Susi sa pagkakaunawaan, paggalang, pagkakaisa natin.

Wika ang simbolo ng pagkakakilanlan ng isang bansa,
Dapat ituro ito sa eskwela, pamayanan, pagyamanin ng madla
Tulad ng ilog, patuloy sa pag-agos, suporta sa bawat panig
Salik ng kultura, kaluluwa ng puso at diwa, bayan at pananalig.

Katulad ng tahanan na may matibay na pundasyon,
Mga bayani, kasaysayan, watawat, wika at Konstitusyon
Bilang bansang malaya, nagkakaisa sa pambansang layunin
Ating gamitin, tangkilikin, ang pambansang wika ay mahalin.

Isa lang bansa natin, wika ang nagdudugtong ng kapuluan
Magkaisa tayo tungo sa pambansang  pag-unlad at kabutihan
Maging masunurin sa batas na Wika ay dapat pagyamanin
Pilipino tayong nagkakaisa, isang bansa, isang damdamin!

© Feliz Ruiz
Filipino Poets in Blossoms🌸 
August 21, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH