YAMAN

Ni Emasu Poetry 

Halika at sabayan si lola
Nang ganda ay masilayan,
Pagkat lahat maging baliwala
Kung di tanggap itong yaman.

Umupo ka at titigan paano
Natangay sa pagkakamali,
Nakalimot sa pagpakatotoo.
Masdam mo luha ng pagsisisi.

Tandaan mo aking mahal
Ang kamalia'y iwasan
Dyan nagdusa ako ng matagal.
Buhay gawing makabuluhan.

Sa mundo limitado ang oras
Wag mong hayaang masayang,
Sa pagpahalaga maging bukas
Sana ang puso at iyong isipan.

Panahong nasayang ay sabik.
Pagpapatawad wag ipasuntok
Dahil hindi na maibabalik
Ang tubig ng dagat sa bundok.

Sana di ka magpapadala
Kung karimla'y bigay ng buhay.
Magsikap at ipapaubaya
Ng Diyos na laging gagabay.

Pag-ibig ang laging ipaibabaw
Kapwa tulungan at mahalin.
Yaman ay bigyang tanaw
Pagkat tunay yan na mithiin.

Ginawa tayo para sa kapwa,
Pahabawaan ating pag-unawa.

Source : Eds Oacnam 

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay