ATING PANAHON
Tula ni Winnie Carmona-Dacoco
Mga takot na bumabalot, hatid ng panahon
Mga kaba na pumupukaw sa hinahon,
Dati ay malaya , mga pakpak ay tumikom,
Tanging sa gunita, lumipad, naglimayon
Ang mga oras, tila may pakpak din
Tulad ng hangin, saglit lng humapyos, nagtutumulin,
Ang puso'y
nagtatanong, naninimdim
Kailan ba ang dulo at ilaw sa dilim?
FPB
September 4, 2021