GERZEALEN

Repost



The FILOsopher’s Special Series
Galing ng Kabataang Pilipino
Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino
Tula ni Avon Adarna
Sa pagbasa ni Gerzealen Walsch S. Reyes
(Video released with permission from the child’s parents)

Sa gitna ng makabagong teknolohiya — at maging ang epekto nitong pandemya — isang hamon ang paigtingin pa lalo ang pagmamahal at pagtangkilik sa ating Sariling Wika at Kultura.

Subalit narito muli at ating matutunghayan ang isa pang Kabataang Pilipino sa pagbasa ng tula at nawa’y makapagbigay saya at inspirasyon sa ating lahat nasaan man tayo ngayon.

Sino si Gerzealen?

Si Gerzealen Walsch S. Reyes, 10 taong gulang, ay Grade 5 at nag-aaral sa St. John’s Cathedral School, Dagupan City, Pangasinan. Si Zea, ang kanyang palayaw, ay mahilig magbasa, sumayaw, maglaro ng Wordscapes sa kayang cellphone, at manood ng mga Disney shows. Si Zea ay anak nina Mr. and Mrs Gerard at Glenda Reyes.

Ang tulang ito ginamit sa patimpalak sa kanyang paaralan bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2021.

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Pilipino
ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay, 
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,
At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!

#BuwanNgWika
#TatagNgWikangFilipinoLakasNgPagkaPilipino
#AvonAdarna
#Tula
#KabataangPilipino
#GerzealenWalschSReyes

Source: The FILOsopher
Rado Gatchalian

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH