HALAMAN

Ni Cherrie Facun Dancel


Ang aking halaman na puno ng karikitan
Sa kanya ay marami ang nagagandahan
Kaya  hinihingi ang tumutubong punla
Ng mga nagdaraan na plantito at plantita.

Ang bango niya'y humahalimuyak sa gabi
Pag iyong naamoy matatakot ka at mapapatabi
Iisiping may kaluluwang nagpaparamdan
Na sa paglalakad ay gusto kang samahan.

September 4, 2021


 


Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay