HAPONG KAMAY

Ni Ester Vargas 
September 2, 2021

 

Mala-porselanang kutis
Tila ay naglaho't naimis.
Kahit anong gawing kilatis, 
Tahimik sa sulok na naiinis.

Paano ko ipagmamalaki?
Dating ako ay nawaksi.
Kasipagan ang sanhi.
Tanging alaala ang saksi.

Lubak-lubak at makalyo.
Tila dinaanan ng delubyo.
Bitak-bitak parang inararo
Magkaminsan ay may punla
     pa ng kulugo. 😂

Mga kamay na nagsilbing ilaw,
Karamay hanggang mundo mo'y
       magunaw.
Sa ibayong dagat ay nangangatal 
       sa ginaw.
Nakababaliw, di maabot kahit na
       pumalahaw.

Kamay na hindi makatikim man 
      lang na malinis.
Maghapong nagkukudkod at 
      nagwawalis.
Hindi na bale, kung saan-saan
     naman tsinelas ay nakakaalis.
Nakakasakay sa eroplanong
      humahagibis.

Hapong kamay ay walang tigil
      na kumakayod.
Kahit na nga siguro ito ay unti-unti 
     pang mapudpod.
Hindi na bale kaysa maghapong 
      nakatanghod.
Mas mainam kaysa palad ay sa iba
       nakasahod. 💪

Biriterang Makata
Dubai UAE

inspirasyon ay galing kay Ody Munson 
tula ay isinulat para sa Horizons home for talented migrant workers in Hongkong and around the world

Source: FB

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH