KAPWA KO, MAHAL KO

Repost from Rado Gatchalian
The FILOsopher 



Kapwa Ko, Mahal Ko
(Para sa mga OFWs)
Sa panulat ni Paolo Vernall

Sa mundo ng magulong buhay
Darating ang mga taong hihingi ng saklolo
At akala mo ay kaibigang tunay
Subalit lahat pala ay panloloko.

Ilalahad ang kanilang mga pagsubok
Ang hugot at dramang pupukaw sa iyong puso
At ikaw namang ang dibdid ay marupok
Yayakapin sila at ang pag-ibig ay ibibigay nang buo.

Hanggang dumating ang isang araw
Ng rebelasyong ikagugulat mo
Ang lahat-lahat pala ay pawang kasinungalingan
At biglang parang pasan mo ang mundo.

Hindi mo akalaing ang tulong na inalay
Ay harapang pagsakal sa iyong pagkatao
Sisipsipin ang kahuli-hulihang patak ng dugo
Hanggang sa di mo namamalayang wala ka ng buhay.

At kung wala ka nang maibigay
Ang lahat ng mga kaibigang iyong inakay
Ay unti-unting nawawala sa kapaligiran
At nakalulungkot na tuluyan kang iniwan.

Dahil sa iyong kahinaang maawain
Kinurot nila ang iyong pusong banal
Pinaglaruan ang iyong kamay na nakikiramay
At hindi mo akalaing sila pala ay sakim.

Wala namang masama sa pagiging matulungin
Subalit ang iyong sarili ay wag mong kalimutan rin
Sa lahat ng binigay mong panalangin
Ipagkaloob mo rin sa iyo ang pag-ibig na giliw.

Matutong maawa rin sa sarili mong nag-iisa
Dahil sa oras na ikaw naman ang manghina
Harinawa’y may magbibigay din sa iyo ng kalinga
At ikaw naman ang aakayin nila.

Subalit kung hindi man, isipin mo na lang
Ang pagmamahal na handog sa iyong abang kapwa
Ay mananatili hanggang sa iyong kamatayan
At ang kaligayahan ay ang iniwang magandang alaala.

#KapwaKoMahalKo
#Tula
#OFW
#PaoloVernall

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH