NANG IKA'Y MAGLAHO

Ni Emilio L Aguinaldo
(RIP) 

Nang ako’y iwan mo sa gitna ng dilim
Ang tanging tanglaw ko ay mga bituwin

Ang kaulayaw ko’y malamig na hangin
Ang mga mata ko’y malayo ang tingin

Nang biglang gumuhit ang kidlat sa langit
Nag-dilim ang ulap sa aking paligid

Ang sinag ng tala’t bituwin sa langit

Nag-kubli sa ulap hindi na masilip

Matapos ang kidlat bumuhos ang ulan
Sa tindi ng lamig di na mapigilan

Pook na tagpuan ay aking nilisan
May luha sa mata’t ang puso’y sugatan

Ang pook na dati’y madalas dalawin

Pinapasyalan ko kung gabing malalim
Aking binabakas ligayang nag-maliw

Tinitingala ko ang mga bituwin

Kahit na kung gabing madilim ang ulap

At walang bituwing duon ay mamalas

Ako’y nagbabalik duo’y binabakas

Nag-lahong ligayang laging hinahanap

Sa sinag ng mata nang ika’y maglaho
Nuon ko nadama ang iyong pag-suyo

Nuon ko nabatid ang taghoy ng puso

Marahil ay di na muling mapupugto.

katha ni emilio laxamana aguinaldo
Dictated

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH