PAGSASAKA
Ni Napoleon Torres III
Magsasaka ay nagaararo sa maghapon.
Habang maganda pa ang panahon.
Ang init ng araw,
nagtatanggal ng umagang ginaw.
Araro ay hila hila ng kalabaw,
magsasaka ay humihiyaw.
Sulong Kabunian habang meron pang araw.
Pagod man ay naguumapaw,
hindi ramdam dahil sa aning magbibigay ng layaw.
Hindi tutubo ang binhi kung hindi itatanim.
Hindi mabubuhay kung wala ang lupa, tubig at hangin.
Magsasaka ay kailangan din,
upang inaasam na mithiin maibigay ng gawain.
Pagmamahal at pagsisikap sa pagsasaka,
ang higit na mahalaga.
Upang ang ani ay maging sagana.
Aanhin ang kabukiran na nakatiwangwang.
Kung ang mga ito ay walang maibigay na pakinabang.
Sa gutom ng bayan pagsasaka sa mga lupa na ito,
magbibigay ng biyaya sa mga tao.
Problema sa pagkain ay hindi malulutas.
Kung hindi gagamitin ng magsasaka ang kanyang sipag at lakas.
Aanhin kung may ginto man sa lupa?
Ginto pa rin itong mananatili sa gutom ay hindi magpapahupa.
Kasabihang " Kapag may itinanim ay may aanihin."
Kasabihang mas higit na mainam na ipatungkol sa mga pagkain.
Pagsasaka ay ang siyang nagbibigay buhay.
Sa pagsisikap ng magsasaka sagana ang magiging ani ng palay.
Pagsasaka maipagpapatuloy pa kaya?
Kung sa makabagong teknolohiya nagugumon na ang mga bata.
Mga anak ng mga magsasaka damay na rin.
Nakakabahala sa aking paningin.
Paano na kung sa darating na panahon,
mawala pagsasaka na untiunti nang kumakaunti ngayon?
Sino ang hahawak ng mga kalabaw at magaararo?
Mga makina sa bukid kung meron nito?
Pagsasaka magpapatuloy pa ba?
Kung sa panahon ngayon mga bata sa internet ay naka angkla?
Napoleon Torres lll
08272021
@ Reserbado lahat ng karapatan.
Edit.
Paskil: FPB
Buwan ng Wika