Piramidong Ulap

By Kriselda Alegado Espinosa 



Sandatang  pinanday ng panahon,
Hinubog ng magkabilaang hamon,
Pinagtibay sa bawat hampas ng alon,
'Di matitibag malagas man ang mga dahon,

Mananatiling matatag at nakatayo,
Magsisimulang sisibol ang binhing nabuo,
Magsisilbing ningas na taga paalala sa mga tao,
Bawat pag banat ng mga buto, unti-unting mabubuo,

Ilalaban ang mga pangarap,
Pipiliing abutin ang alapaap,
Tutuntong sa bawat piraso ng ulap,
Tagumapay sa tamang panahon—maapuhap,

"Piramidong Ulap"
ni: Kris Espinosa
FPB
September 27, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay