PIRASO NG BASAG MONG PANGAKO
Tula ni Frandres Irean
✍ecai30💛
P-inanghawakan ko mga salita mong kay tamis,
I-nakalang tunay at hindi magmimintis,
R-itmo ng kasinungalinga'y mabilis ang hagibis,
A-ng inosente kong puso'y tinamaan walang daplis,
S-inuong ang lahat makamit lang ang ninanais,
O-yayi ng pag-ibig bakit sa tono'y lumihis?
N-alinlang sa balatkayo mong pagsuyo,
G-uni-guni'y di matahimik puso'y nagdurugo.
B-util ng luha di mapigilang maglandas,
A-nimo'y bumabalong yaring pag-agas,
S-a kislap ng aking mata ang hapdi ay bakas,
A-ng nadurog kong puso'y paano haharapin ang bukas,
G-ula-gulanit ang pangarap sa kabiguang dinanas.
M-asakit na nagdaan sa puso'y tumimo,
O-o sa pighati ako ay nakabilanggo,
N-akatarak sa dibdib piraso ng basag na pangako,
G-inapos ang kaligayahan lumukob ay siphayo.
P-agtangis sa gitna ng karimla'y mauulinigan,
A-ng rehas ng kalungkuta'y hindi matakasan,
N-anaghoy sa luhang nilulugmukan,
G-abi at araw binabalot ng ,
A-ng silakbo ng damdami'y nag-aalpas di mapigilan,
K-ayakap ko'y dusa sa sa tinamong kasawian,
O-ras ay kay bagal sa nagdurusang nilalang..
PHOTO: NOT MINE
Filipino Poets in Blossoms 🌸
September 23, 2021
BIO
Ako si Erica Francis Toquiro 16 years old. Grade 11 student. Last year ko lang nalaman na may talento ako sa larangan ng pagsulat hindi ko pa noon kilala ang tula kaya akala ko wirdo ako dahil mahilig akong tumugma. Hanggang sa napasok ko ang WRICONWORLD at dito ko nakilala ang tunay na hiwaga ng mga letra.