Puto Bungbung at Bibingka
Tula
Simbang gabi ay parating na naman.
Maghahanda na naman ang mga tahanan.
Pagpunta ng madaling araw sa simbahan.
Pinaguusapan na ng mga kabataan.
Pagtunog ng alarma sa pagalis.
Mga bata ay nagmamadaling magsibihis.
Nanay, Tatay, Lola at Lolo minamadali ng mga ito.
Baka daw maubusan ng bibingka at mga bungbung na puto.
Pagdating ng simbahan.
Sa dambana ng Diyos nagdadasal ang mga kabataan.
Nasa misa pa lamang nasa kanila ng mga isipan.
Puto bungbung at bibingka baka sila ay maubusan.
Hala kayo bigyan ng halaga pagtawag sa Diyos.
Para huwag mangyari puto bungbung at bibingka ay tuluyan na maglaho at maubos.
Pagkain na para sa tiyan ay hindi dapat mauna.
Dapat ang bigyan ng halaga ay ang para sa kaluluwa.
Pagkatapos ng misa saka lang pumila.
Sa puto bungbung at bibingkang mga paninda.
Mula pa sa tradisyong sinauna.
Magpahanggang sa ngayon ay binibigyan pa ng halaga.
Hindi lang masarap at kahit mahal na.
Tinatangkilik pa rin ng mga binata at dalaga.
Sa puto bungbung at bibingka ay may nabubuong pagsuyo.
Habang ang binata puto bungbung at bibingka sa kaniyang minumutya ay isinusubo.
Puto bungbung at bibingkang naging tulay sa bibig.
Naging daan sa magkasuyong nabitag ng tunay na pagibig.
Mananatili sa buong panahon.
Puto bungbung at bibingka sa Pasko at Bagong Taon.
Napoleon Torres lll
12182019
@ Reserbado lahat ng karapatan.
Paskil: FPB
09082021
*Bahay ng Sariling Wika🇵🇭