TUTUBI, TUTUBI!

Tula ni Miling Cruz Rivera

Tulang Pambata

Sa hardin ni nanay nagpaikot-ikot,
Makulay, magandang tutubing malikot
Hindi ko mahuli, o kay ilap niya
Nais kong hawakan at masdan ang mata. 

Ang mga mata daw, ang sabi ni nanay,
Mabilis umikot at ubod ng linaw
Kahit nakatalikod nakakakita din
Anong ingat ko man bakit napapansin? 

Makulay na pakpak gusto kong pagmasdan 
Ganoon di naman buntot ay hawakan
Subalit kung ayaw sa akin pahuli
Papanoorin ko lipad nyang maliksi. 

Tutubi, tutubi ! Lagi kang dadalaw,
Tayo ay maglaro sa sinag ng araw
Hahabulin kita habang sumisigaw
Tutubi, tutubi! Tayo ay magsayaw.

Filipino Poets in Blossoms 
September 8, 2021

🐝🐝🐝🐝🐝🐝🐝
Tula sagot ni Florencia Dayao 

Kapatid,nakakatuwang sariwain ang kabataan natin..

Naaalala ko noong bata pa ako,
Kalaro ko ang malaking Tutubi..
Doon sa sanga ng punong bayabas,
Ako'y kanyang inaaliw.

Isa siyang Tutubing Kalabaw,
Iikot-ikot sa aking harapan.
Na para bang sinasabing
tumahan ka na kaibigan,
Lungkot mo'y alisin at kita'y maglaro bago dumilim..

Sa tuwing ako ay pinapalo ni Ina,
Puno ng Bayabas
ang puntahan ko tuwina.
Doon ko inaabangan ang munti kong kaibigan,
Lagi niya akong inaaliw hanggang siya ay lumisan.

Ngayong me idad na ako,
Ayan pinaalala mo..
Yun sigurong kaibigan ko,
Guardian Angel na pasasalamatan ko...

September 8, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH