APOY NG PAG-BIG
Tula ni Emilio Laxamana Aguinaldo
September 2019
Kaya itong apoy malakas mag-liyab
Kaya itong kahoy malakas mag-ningas
Kaya itong baga'y matagal maagnas
Ay ginagatungan ng tama sa oras
Tulad din ng puno ng isang halaman
Mayabong ang dahon at kulay luntian
Ang kapit ng ugat sa lupa'y matibay
Kung may nag-didilig ng may pag-mamahal
Ang tubig sa batis tuloy sa pag-agos
Dahil sa pag-daloy ng tubig sa bundok
Bulaklak sa parang kaya maalindog
Ay busog sa sikat ng araw at hamog
Tulad ng pag-big ay dapat ingatan
Kung nais na ito'y humaba ang buhay
Pag ito'y nabilad sa init ng araw
Pag hindi nadilig ito'y mamamatay
Kap'wa pag-ibig din ang dapat igawad
Na dapat idilig ng taos at wagas
Kung nais na ito ay huwag kumupas
Dapat alagaan ng buong pag-lingap
Kaya kailangan ng isang pag-ibig
Suubin ng apoy ng laging mag-init
Apoy ng pag-big ay yakap at halik
At isang pag-suyong mag-pahanggang langit
katha ni emilio laxamana aguinaldo