BUHAY

Tula ni Rebecca



BUHAY ...

Ang buhay ay parang USOK sa mundo !!
Dala-dala ng hangin saan man tumungo
Saglit na nawawala sa paningin ng tao !!
Ganyan ang Buhay, SAAN tayo Patungo ?

Buhay ay dapat ngang alagaan at mahalin
Dapat may limitasyon na dapat susundin
Huwag sa KALAYAWAN ang dapat kamtin
Mag- ipon ng Kayamanang EVERLASTING

EVERLASTING ? ano ang KAHULUGAN ?
Walang hanggang BUHAY ang nakalaan
Doon sa bandang ITAAS, sa MAYKAPAL!
Doon ang luklukan,,sa BAYANG BANAL !!

BAYANG-BANAL ? may katanungan ka ??
Makikinang na mga BATO ang makikita
Hindi man ABUTIN ng mata, may Pag-asa
Ito ang mga salita, nababasa sa BIBLIA

BIBLIA, SUPER BOOK kung ito'y tawagin
Lahat ng LESSON, sa inyo makakarating!
Ang HINDI NAKIKITA, TIYAK DARATING!
Parang MAGNANAKAW sa ating paningin

BUHAY, ang SARAP namnamin sa mundo
Huwag lang PAKAKAMAHALIN nang todo
Ang DIYOS ang may BIGAY sa KANYA ito
Maging HANDA PALAGI, ito'y SIGURADO

Zoraya
d' long legged
Morena
Pilar, Sorsogon
Philippines
Sept.11, 2020
1:53 p.m.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay