Calle Balic Balic
Repost
From Throwback Filipinas
By Tom Ong
Via FB
Calle Balic Balic
Ang Calle Balic Balic sa Maynila ay isang kalyeng ginawa noong 1890 papunta sa sementeryo. Ang mga ninunong Pilipino noon ay mapagmahal sa pamilya at napakasakit ang mamatayan ng mahal sa buhay. Ang Sementeryo ay ginawa ng mga taga San Miguel Maynila noong panahon ng Kastila.
May tradisyon noon na ang kabaong ay binubuhat ng apat na tao. Lumalakad sila ng 20 steps at umaatras ng 10 steps papunta sa sementeryo. May sumisigaw ng sulong para sumulong ng 20 hakbang ang nagbubuhat ng kabaong at sisigaw uli ng Balic Balic para umatras ng 10 hakbang pabalik
Noong 1925 ay sinarado ng mga Amerikano ang sementeryo sa Balic Balic at ang mga bangkay na nakalibing ay nilipat sa North at sa Paco Cemetary. Ang sementeryo ng Balic Balic ay ang Holy Trinity Church ngayon.
Ang Calle Balic Balic ay G. Tuazon St. na ngayon sa Maynila.