HUDYAT NG LANGIT

Blue Mountains 


"HUDYAT NG LANGIT"
Tula ni Emilio L Aguinaldo

Ang hihip ng hangin hindi na malamig
Ang sikat ng araw sobra na ang init
Ang bughaw na ulap sa pisngi ng langit
Puno na ng usok bihirang masilip.

Dumalas ang lindol at putok ng bulkan
Ang sunog at bagyo’t baha kahit saan
Sa lupa at dagat hanggang kataasan
Maraming sakunang kumitil ng buhay.

Nag-kalat na ngayon ang maraming salot
Gamot at sandata’y madaling madampot
Pag-bawi ng buhay ngayo’y abot abot
Ang paligid ngayo’y nakakakilabot.

Pag-samba sa Diyos at mga debosyon
Marami ng uri hindi tulad nuon
Ang ikot ng mundo nung unang panahon
Lubos na nag-bago di na mahinahon.

Mga nagaganap sa buong daigdig
Ay hudyat na kaya na galing sa langit
Malapit na kayang sa ati’y sumapit
Pag-gunaw ng mundo na kahindikhindik?

Mag-linis ng budhi’t sa D’yos ay tumawag
Ating idalangin na tayo’y maligtas
H’wag sanang itulot at Kanyang Igawad
Ang nakakagimbal na magiging wakas.


Katha ni emilio laxamana aguinaldo
Dictated
October 27, 2019

♥*✿*•♥



Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH