KANDILA AT KADILIMAN

Tula ni Duoi Ampilan 


Bawat lingon sa kahapo'y tanaw ang lagim
Makapanindig-balahibong tagpo sa dilim
Ang nakaraan ay durungawan ng hinagpis
Sa haba ng panahon, ang lahat ay tiniis

Kandila ay sisindihan sa gitna ng kadiliman
Ibabaon sa puntod ng paglimot ang nakaraan
Kailan man ay hindi na babalikan ang kahapon
Hindi na paaalipin sa aninong kakilakilabot

Bawat bagong hakbang ay luksong pag-asa
Bitbit ang aral at tapang sa bagong lakbay
Hindi na yuyuko sa bawat hamon ng buhay
May ngiti sa labi na yayakapin ang tagumpay

October 30, 2021
Filipino Poet in Blossoms 
Tema: Tatlong Hakbang Palayo 
Concept by Jhake Morales 

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH