KANLUNGAN

Tula ni Ninfa Vasquez Mateo 

KANLUNGAN
Shallow and Hollow

Kailanman di inakalang ang buhay,

Kahong parisukat ang naging kahanay,

Kahulugan ay nasa iyong mga kamay,

Kwadradong sulok siyang naging karamay,

Ipininta bawat kulay ng panahon,

Iginuhit lawak ng imahinasyon,

Binigyang laya tunay na naramdaman,

Kasaysayang inayon sa kagustuhan,

Damdamin ay pinanday ng karanasan,

Katauhang anod nang kasalukuyan,

Limitadong puwang sa kinaroonan,

Makabagong kulungan nang nakaraan,

Walang tibay ang sandalang hinawakan,

Hindi natatalos ang kahihinatnan.

♧NCVM
♡32819
□1257

#accidentallycreatedartwork

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay