KAYSARAP ANG UMIBIG

By Rado Gatchalian 
October 13, 2021
The FILOsopher 



KAYSARAP ANG UMIBIG
Ni Rado Gatchalian

Kinukulit ako ng ihip ng hangin
Kung bakit iisa ang aking iniibig
Dahil may titik ang aking dibdib
At ang pangalan mo ang siyang nakaukit

Maging ang buwan ay nananabik
At tila hinahanap ang iyong halik
Ikaw ang diyosa’t diwata sa dilim
Ikaw ang aking tunay na iniibig

O kaysarap ang umibig
At kaysarap ang iniibig
Dalawang pusong kinikilig
Araw at gabing nasa langit

Maging bituin ay may panalangin
Tayong dalawa’y magkapiling
Ngayon at sa bukas na darating
Pag-ibig, oh kaysarap yakapin

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay