MA'AM LEAH

A poem addressed to me, penned by Frandres Irean in Filipino language. What a great honour. I'm humbled by her thoughtful gesture. Thank you Fran.

 
Wollongong Botanical Garden 
2019

Ma'am Leah❤
Tula ni Frandres Irean

Nang makilala ka sa puso ko'y agad kang napalapit,
Hindi ko mawari, hindi ko alam kung bakit,
Ang galak sa dibdib ko'y hindi sapat na iguhit,
Salamat sa Panginoon, ang lihim kong nasambit.

Malayo ka man at hindi ko masilayan,
Sa puso ko'y nakaukit ka na at aking iingatan,
Tayo'y pinagtagpo mga letra pareho nating kayamanan,
Mundo ng mga tula sabay nating ginagalawan.

Marahil kung ikaw ay aking makakadaupang palad,
Napipiho kong sa galak dibdib ko ay liliyad,
Isang karangalan sa akin at ligayang walang katulad,
Kahit isang minuto lang ang makaulayaw ka'y aking hinahangad😇🥰

Sorry po ninakaw ko pic mo😁🥰😘

Source: FB/Filipino Poets in Blossoms 
October 27, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay